(via beben-eleben)
‘Yung lalaking kahit wala kang ginagawa eh naaappreciate ka niya.
Ngitian mo lang siya ‘pag nagkakasalubong kayo para sa kanya ang sweet na. Masaya na siya na nakikita ka niya, kahit na ni hindi man lang kayo nagkatabi. ‘Yung simpleng hug mo, malaking bagay na para sa kanya. Hindi ka nag-eeffort, pero naaappreciate ka niya.
Eto yung mga lalaking ang sarap paglaanan ng bonggang effort. Alam mo kasing di masasayang ‘yun kasi sigurado kang mapapasaya mo siya. ‘Yun ngang kahit wala kang ginagawa naaappreciate na niya, paano pa kaya ‘yung nageffort ka na ng bonggang-bongga diba? :)
Lala says # 008: You truly love a person if you consider yourself lucky for having him/her.
Long Distance Love
Maybe one of the hardest situation between two lovers.
‘Yung pakiramdam na ‘yung taong mahal mo eh di mo mayakap, mahagkan o kahit mahawakan man lang. Kung may problema siya, you can’t even wipe his/her tears. Hindi mo man lang siya macomfort. Idagdag mo pa sa hirap ng loob mo ‘yung takot at doubt mo na baka habang malayo sa’yo ang mahal mo eh mafall out of love siya sa’yo o baka makahanap ng iba.
Sabi nila trust at communication lang daw ‘yan. Pero pag tayo na ‘yung nasa mismong sitwasyon, hindi yun ganun kadali. Mahirap at sobrang sakit.
Pero on the other side, pag nalampasan niyo ‘to, sigurado na kayong dalawa na matatag kayo. Wala ‘yung takot na magkakasawaan kayo kasi matututo kayong pahalagan ang mga oras na magkasama kayo. You’ll learn to treasure the moments that you’re together kasi nga pag LDR minsan lang yun mangyari.
You’ll learn to smile as each day pass by, because you’re a day closer to the day when you’ll get back to his/her arms again. :)
'Yung feeling na tanggap na tanggap ka ng mahal mo kahit may mali sayo. :)
- Ako: Daddy, kung magiging girlfriend mo ako, okay lang ba sa'yo na 'yung girlfriend mo disabled, mesakit, di-normal?
- Siya: Ano ka ba mommy, wag mo isipin mga ‘yun. Kung magiging GF man kita, proud ako na ikaw ‘yun. Normal ka.
- Ako: Di ko lang kasi mapigilan na di isipin 'yun. Mesakit na kasi ako.
- Siya: Kahit naiisip mo ‘yun, I know in myself na mahal na mahal kita. No reason para magbago ‘yun.
- Ako: Talaga daddy? Kahit ganito na lang ako?
- Siya: Oo. Kasi kahit anong mangyari, ikaw pa din si Lala na nakilala ko. Hindi ko ititigil ‘yun. Kahit maghintay pa ako until death.
- Ako: Nadodown na kasi ako masyado eh. Naiisip ko di na ko karapat-dapat sayo.
- Siya: Wag ka madown. Andito lang kami palagi. Don’t ever think na hindi ka karapat-dapat saken. Kasi hindi darating ‘yung araw na ‘yun.
- Ako: Maraming-maraming salamat daddy. Answerte ko kasi andyan kayo.
- Siya: Para ano pa na nandito kami. Siyempre always kaming present. Kahit in good times or in bad times. I love you.
HE and SHE as ONE. ♥
Di ko na sasabihin ‘yung date. Ang gusto ko lang sabihin, may commitment na saming dalawa. ♥
Yeah, officially boyfriend ko na siya, girlfriend na niya ako. He’s my first boyfriend (and I’m his fourth, HAHA. :D). Pero what made me stand out from his past girlfriends was ako lang daw ‘yung sumagot sa kanya personally.
‘Yung favourite kong sinabi niya,
Me: Ikaw first boyfriend ko.
Him: Ikaw naman last girlfriend ko.
Me: ♥__♥
Sobrang saya. :) Andami nang tampuhan, biruan, kiligan, sumbatan, sungitan, i-love-you-han at pagmamahalan, I’m glad dito rin ang tuloy.
Iba na ‘yung noon sa ngayon, I guess mas kelangan ko nang magmature ngayon. Lalo’t hindi basta-basta lang ‘tong pinasok ko. We’re on a long distance set-up. Pero kaya namin ‘to. Sabi nga niya, God is with us. :)
Those hugs and forehead kisses. ♥

My first UP experience.
First time kong makapasok ng UP Diliman last May 8 for my registration. Isa lang masasabi ko, na-love-at-first-sight ako sa campus. Hindi mo aakalain na may ganung kagandang lugar sa isang napakalaking siyudad. Napakaaliwalas ng paligid. Very accomodating naman ang mga taong naka-mingle ko.
Ang dami kong exclusive UPD experience like,
- sumakay ng IKOT.
- kumain sa Rodic’s at matikman ang bestseller nilang tapsilog. (No doubt ito ang bestseller nila. It’s really delicious.)
- umupo sa may Sunken Garden.
- magcheck-in sa University Hotel.
- magtanong ng direction at makakuha ng sjhfudhclzvudj na sagot. (HAHA. :D)
- pumila ng pagkahaba-haba para maka-enroll. (Well, alam kong hindi pa ito ang totoong “halimaw” na pila sa UP)
- maturuan ng UP clap.
- mapanood ang performance ng UP Rep. (Nakakagood-vibes ‘to. They’re really funny. Pero may sense.)
- Maturuan ng iba’t ibang cheer by UP Pep Squad. (U-nibersidad ng Pilipinas!)
May nameet din akong new friends. Tatlo sila. They’re nice and I think makakasundo ko sila. Nakakatuwa din kasi ‘yung dalawa sa kanila ka-bloc ko.
Iba talaga ang UP. Sa registration pa lang tinuturuan na nila kaming maging independent. Sa lahat ng gagawin dapat hindi kasama ang parents. Napagalitan pa kami ni Mama ng lady guard sa OUR kasi sumama siya sakin sa pagbayad ng fees.
Sa FOP naman, isa lang nag tinatak nila samin. Iskolar kami ng bayan kaya dapat maglingkod kami sa bayan. Serve the people ika nga nila. May isa akong di malilimutan na conversation,
Emcee: Sinong galing overseas dito?
Freshie (?): (nagtaas ng kamay)
Emcee: Saan ka galing?
Freshie: Actually di po talaga ako galing overseas. Dyan lang po sa Samar.
Emcee: Samar naging overseas? Parang Spratlys lang?
Kami: *laughs*
Dinaan sa katatawanan pero may sense diba?
Iba talaga ang UP. Sa simula pa lang, they’re already molding us to stand out from other. Nakakaproud maging Iska. :)
HAHA. :D Opo! Opo! XD
Gawin mo yung sinabi ko ah XD kutos ka sakin kapag hindi yan ang ginawa mo Haha Stay Strong :) Be Happy Shalala XD
Thanks thanks po! XD :)))))
Salamat po. :”)
wrong move. dapat sagutin mo pa rin sya. kung mahal ka nya, mas lalo nya dapat ipakita ngayon. kung sa kaibigan naman, yung mga taong hindi pinapansin yung mga mali sayo, yun ang tunay na kaibigan. Sorry, nadala lang XD
Maganda nga po eh, may nagbibigay ng pieces of advice sakin. Thanks po. :)))))))
I’m sick and I really, really hate it.
Meron akong scoliosis. Kahapon galing kami ng ospital. Sabi ng physiatrist I need to wear braces, for 2 years, 23 hours a day. Pag maliligo lang daw dapat tanggalin.
Nung nalaman ko ‘to hindi ko mapigilan iyak ko. Paglabas namin ng room wala na akong pakialam sa mga tao, gusto ko lang iiyak ‘yung nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na for the next two years magiging limited na lang mga activities na magagawa ko. To think na hindi ordinaryong braces ‘yung isusuot ko. Hindi siya natatakpan ng damit. Kitang-kita ‘yun kasi hanggang sa neck ko.
Naiisip ko, magcocollege na ako. Paano ako magkakaroon ng kaibigan kung nakikita ng mga tao na there’s something wrong with me, na hindi ako normal. I’m all alone in the university, wala akong mga kakilala. Yeah, natatakot ako na mag-isa lang ako. Natatakot ako na hindi ako makahanap ng mga friends na kasing-awesome ng highschool friends ko dahil dito sa sakit na ‘to.
Isa pa, hindi ko alam kung sasagutin ko pa si daddy. Ano ‘yun, girlfriend niya hindi normal? Mesakit? Alagain? Ayoko nun para sa kanya. Ano na lang sasabihin ng mga tao sa kanya. Pipili na nga lang ng girlfriend ‘yung disabled pa. Naguguluhan ako. Halos isang taon din kami bago siya nanligaw. Masaya na nga kami eh, pero ayoko ng ganito para sa kanya.
Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ako maging normal? Bakit ba kailangang palaging may mali sakin? Nakakainis.
I’m so down. I just need someone to talk to. Help. -.-
